Manhid

Habang sinusulat ko ang akdang ito, ako ay nakaupo sa isang sulok ng kwartong kinalalagyan ko ngayon, patay na ang ilaw at tulog na ang paligid. Tahimik na, nagpapahinga na ang gabi. At ako, nakikinig sa ITunes ng mga musikang baka sakali ay makapagdulot sa akin ng lakas para magpatuloy sa aking sinimulang gawin.

Dumadaloy ang luha ko at di ko eto mapigil.

Naging napakalamig ng mga nakalipas na buwan.Madaming nangyare. Madaming nawala. Na hindi na maaari pang bumalik. Madaming pagbabago. Napaglipasan na ng panahon. At ako, nandito pa din. Hindi pa bumibitiw.

Tinawag akong martir ng isang katrabaho. I was just being honest that I don’t feel like leaving the company, that I’m still having my hopes with me. Sabi pa ng isa, wala ka nang maasahan jan, umalis ka na. Pag-asa na lang ang natitira sa akin, sana wag nyo nang patayin pa. My hopes are still alive that one of these days, volume of files will come up resulting to getting my colleagues back to where they were supposed to be as of the moment, rather than going back to a place they eventually left behind.

DI ko mapigilan ang pagpatak ng luha kanina habang kausap ko ang aking Boc. Di ko maiwasang mapahagulgol sa mga oras na iyon kahit ang tanging paraan ng pag-uusap namin ay telepono. Malayo siya pero naaabot niya ang puso ko. Sa gitna ng park na iyon sa isang mall sa isang siyudad, di ko alintana ang pabugso-bugsong dating at alis ng mga tao. Di ko iniisip na maaaring madami ang makarinig sa akin, makakita sa pagbuhos ng aking emosyon. Yun lang kasi ang lugar na malapit na alam ko na pwede akong maging ganun ka-weak dahil sa nangyare. At least walang nakakakilala sa akin as lugar na iyon kaya deadma na lang ako.

Then another person I was able to talk with lent his ear to listen and his heart to understand. I was in distress. Sabi niya nga hindi coincidence na nakausap ko siya, na tinawagan ko siya. The timing was perfect that if hindi ko siya kinausap at available siya, malulungkot siya. I am grateful for his time spent with me. Na-appreciate ko talaga yung effort at time na ni-allot niya para lang iyakan ko siya. First time to do this, opening up to a newly-found friend at one point in my life that I’m down…grateful that he was there at my worst. Sa kabila ng pagbuhos ng aking emosyon, he patiently waited for it to subside. It worked. Napa-kalma niya ako. Sometimes it takes a few minutes of laughter for me to really get back on track. Salamat kasi nagawa mo iyon sa akin sa napakasimpleng paraan – nakinig ka kasi at nakaunawa.

Namanhid yung pagkatao ko after bumangga sa akin yung katotohanang ito: The company where I spent five long years of my life, the job that I’ve loved and have given all of me, and the people whom I treasured very dearly even for a short period of time that we’re together – ay mawawala na sa akin at sa sistema ko. Ang hirap ipaliwanag yung pakiramdam kasi no one will be able to understand how deeply hurt I am for this unfair event in this particular phase of my life. Yeah, people come and go, eventually all will be in a career path na talagang para sa kanila. Di ko lang mapigil ang emosyon ko kasi napaka-harsh ng ganitong trato, napaka-abrupt ng ganitong pagbabago.

Patuloy lang sa pagdaloy ang luha ko. Di talaga mapigil.

Na-trauma na ako. Palagi na lang akong iniiwan. At lahat ng nawawala sa buhay ko, hindi  nagpapa-alam ng maayos sa akin.

 

It takes time for the wounds to heal. People whom I trusted betrayed my trust. People whom I’ve waited but never came back. People whom I have loved but are now out of my sight.

 

Kung pwede lang maglahong parang bula, mawala lang ako sa paningin ng lahat. Kung maaari lang na maging hangin na lang na dadaan lang at di na babalik pa.

 

Nasasaktan ako. Ang sakit-sakit na.

Wala na akong maramdaman bigla.

 

Still_soul (writer in distress)

011012 – 0041

Advertisement

One Response to Manhid

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s