samu’t saring sulat

pinipiga ang utak ko.

eto ang unang araw ko sa trabaho para sa taong dos mil dose. kagagaling ko lang sa isang “relaxing” at matakaw na bakasyon sa iba’t ibang lugar sa Luzon, at sa pagbabalik ko sa opisinang eto, heto at isang madugong bagay ang ipinapagawa sa amin.

“2000-word essay, formal writing” na may titulong “The Next Six Months”. sa unang tingin ay madali. oo nga naman. pero kung aalamin mo ang paggawa ng isang “formal essay,” ang 2000 salita ay mukhang imposibleng ma-”achieve”. heto ako ngayon, imbes na magsulat at patuloy na dugtungan ang mahigit 400 salita pa lamang ay mas pinaguukulan ng panahon ang mailabas muna ang nararamdaman.

habang nakikinig ako ng musikang ubod ng lakas upang di marinig ang usapan ng ibang kasamahan at makapag-focus sa aking binubuo sa wikang Ingles, ay pinapagana at ini-exercise ko muna ang aking isipan upang kusang lumabas ang mga salitang pupuno at bubuo sa paputul-putol kong pagsusulat.

nakakatuwang malaman na marami na ang malapit nang makabuo ng kanilang “piece” habang ako’y malapit pa lang lumagpas sa isang pahina ang nagagawa. wag ka, blangkong papel lang yan kanina. nilapitan ko lamang ang isang kasama kanina, nakipagpalitan ng kuro-kuro, isang manunulat din sa kanyang sariling istilo, at nakauunawa ng aking nasasaloob.

ayan, gumagana na muli ang aking utak. may mga naiisip na naman ako. tatlo’t kalahating oras na pala ang lumipas. at tahimik na muli ang lahat. ang konsentrasyon nila ay nasa kanilang ginagawa. mainam. ngayon, ako naman…kasabay pa rin ng isang madamdamin awitin at tipa ng “keyboard” ng aking kompyuter.

- still_soul

**********

frustration ng isang nagsusulat ang hindi mai-save ang kanyang ginawa…lalo na pag kompyuter o modern technology ang gamit. hay. nakakapanghinayang lang. sabi ko nga sa isang kasama, di na maibabalik yun pakiramdam habang ginagawa mo yun…worst, di mo na maalala pa yung eksakto mong sinabi nang mga oras na iyon. di ko naihanda sa isang papel kapartner ng bolpen ang mga kataga para hindi tuluyang nawala. tsk.

wala akong ibang masabi kundi buntong-hininga. kunot-noo na naman ba ako? hay. buti na lang people around me made my day simula pa lang ng umaga kaya kahit may pinanghinayangan, okay na din. i will only lose a few seconds spent in non-sense feelings kapag ipinagpatuloy ang “sayang” moment kaya smile na lang. =) it will brighten one’s day pa.

still_soul

**********

kung kelan naman may file na…saka naman unti-unti pumipikit ang mata. hay

kanina kahit pilitin kong itulog ang antok…sa takot na mahuli ay di na lang mapakali. hay

saglit lang ang file. anim na minuto lang pero tignan naten ang magagawa. hinihipan ng hangin ang talukap ng mata ko. unti-unting bumibigat. ayan na…pipikit na…

alas-dose pa lang pala. di pa oras ng siyesta. hay.

still_soul

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s