After a year or more — if my recollection serves me right — ngayon na lang ulit ako nakapagpost sa blog ko. namiss ko din pala ang maglagay nang kahit ano na bigla na lang dumarating sa isip ko. Kagaya ngayon, ika-anim na araw na agad ng buwan ng Enero, Dos Mil Dose…pero ano na nga ba ang nangyare.
Let me backtrack.
I spent New Year’s Eve away from home. I was with our associate pastor’s, Mami G.’s, family in Lipa and was able to celebrate a different New Year because it’s a whole clan I am with. =) Sarap ng handa. Simple at kahit madami kami, sapat ang food…sobra pa pala. I love the spaghetti, espesyal. tapos may tamales pa. Also enjoyed the Pinoy Henyo and other games after eating. Kulit nila. Sarap nila panuorin. Di nawala ang videoke. At dahil malamig, ginawa ko ang lahat just to keep me warm — dinaan ko sa kanta. ayun. haha. Then balik kami that first day of the year sa Manila for the Night Sunday Service. It’s really nice to see each other. Pamilya talaga.
Kinabukasan, wala pa din kami pasok.
Oh, by the way, one week akong forced leave due to low volume of files. Resulting sa pagkaubos naman ng leave namen. Strategy.
So yun nga, wala kaming pasok sa ikalawang araw ng Enero. Derecho naman ako ng Bulacan, dun sa lugar ng aming Head Pastor. Pito kami lahat sa van. Sobrang kulit namen, actually hanggang pag-uwi. Na-enjoy ko naman dun yung kapreskuhan ng lugar. Peaceful and really relaxing while sitting under the tree. Best part dun un foodtrip. native na manok. astig. nakakamiss. yun balut at kape pa. magandang kombinasyon pala sila. Then time na para umuwi dahil may pasok na kinabukasan ang lahat. Pero napaka-worthwhile talaga nung bakasyon na yun. Simple yet memorable.
Maraming panggulo. Hindi palaging masaya ang bawat pagtitipon na pinuntahan ko o sinamahan ko sa mga araw na iyon. Isang nilalang na hindi matahimik sa kanyang katauhan ang palaging naka-amba para guluhin yung mundong pilit kong nilalagyan ng kulay. Pansamantala ko ngang iniwan ang Maynila para hindi stressful ang pagpasok ng aking taon, but he’s not stopping. Everybody then ignored him for his non-sense rant and all. Aga-aga stressful. haha. Bad vibes away. Lovelovelove, happyhappyhappy. Tatag nito. At di na isang tulad niya ang makakapagpatumba sa akin. Buti na lang at siya’y nanahimik.
Pagpasok sa trabaho. Write a 2,000-word formal essay. Title: The Next Six Months. Aguy. Whatta….
Pero wala pa din naman akong magawa. Naka-1,800 lang ata ako at di pa natapos. Pare, wala kasi talagang lumalabas sa isip ko. It’s been quite a long time since I’ve done a formal essay. Besides, di ako gumagawa ng may title na agad, topic pwede pa. Ganun kasi istilo ko…body muna bago title. Kaso nahirapan pa din ako dahil time constraint. Kaya nasira na yun pinangangalagaan ko, hay, kung anu-ano na lang nailagay ko dun…as if I’ve written pure non-sense. Di ko kasi maipaliwanag. Di ko kasi nararamdaman na kailangan ko magsulat. Hirap pa nito nabaon na sa limot lahat. Bihira na rin ako magbasa ng libro o makapagsulat man lang. Kaya ang resulta: Struggle.
Tapos sa ika-apat na araw, essay ulit. At dahil may natira ako na more than 200 words pa para sa kahapon na article, kailangan ko pang bunuin ulit yun. Pinaglaanan ko man ng oras at nakapagpahinga man ako prior, di pa rin pumasok sa isip ko yun mga tamang salita dapat lumabas. Formal writing nga…napakwento ata ako. Another essay. This time, 1,000 words naman. Title: How can you change people’s first impression. Naku ayun na. magandang title sana kaso masyado broad. ayun patay na naman ako. eto talaga bingo na sa pagiging non-sense. Lagpas man sa quota, wala naman wenta.
Hays. Ni ayoko na ipakita ang anino ko sa lahat. pakiramdam ko kasi hindi na ako yun ganun na palasulat, yun madaming lumalabas sa isip na mga salita, mga ideya. Time passed, pati ako napaglipasan ng panahon. Nakakalungkot lang isipin na ganun na pala yun epekto sakin ng limang taon ko sa trabaho. I don’t even know how to write. No wonder, I can’t even produce great transcripts. Change oil.
Kahapon. Di ako pumasok…ay mali! Di ako nakapasok. Same reasons, wala pa din kaming files. ah okay, kaya ng two days in a row kami gumawa ng kamoteng articles. Late info. Maaga kong pinagpahinga ang sarili ko. Na-drain kasi yun utak ko. Di kinaya sa sobrang piga. Tapos almost 12 midnight na nagsend ng text. Nabasa ko kinabukasan na na 7am pala ang pasok. Takte. Strategy. Eh quarter to 7 ako nagising, Wala nagawa. Leave. Tagumpay sila sa strategy na wag magpapasok ng tao. Bawas na naman sa inaasahan kong conversion eto. Wala akong ginawang iba kundi mag-fb. At ngayon nga, gumagawa ako ng basura sa blog ko…makapagsulat lang.
Ay, ika-anim na araw na pala. May sense naman ang bawat araw na lumilipas saken. Di naman nasasayang kasi masaya naman ako sa mga ginagawa ko. Pero di ko lang makita yung sense ng ibang tao sa paligid ko. Yaan na sila. Di sila sagabal at di ko sila alintana. Mahalaga saken malaya kong nagagawa ang mga eto. gaya nito.
Mamaya pala, papasok na ako. 7am ulit. pero ni ang matulog di ko pa magawa, gumising ng maaga pa kaya?
Nangyare? Madami. At para saken, okay na din ako, kasama ng mga taong kadikit ng utak at puso ko. nevermind na lang sa bad vibes and evil forces. i care not.